FOR MORE INFORMATION, QUESTIONS AND PRODUCT REORDER, PLEASE CALL OR TEXT 0908-882-5388 FOR ORDERS OUTSIDE THE PHILIPPINES, SEND EMAIL TO: rommel.bondoc@hotmail.com

Tuesday, October 11, 2011

Binobola ba ako sa networking?

Ano nga ba talaga ang bola?
by: mizpah

Kaibigan, naranasan mo na bang maimbintahan ng isang kaibigan para dumalo sa isang seminar? Nakidnap ka na ba ng isang tao habang naglalakad ka sa isang mall at inanyayahan makinig sa mga seminar na sinasabi nilang napakagandang opportunity at break para sayo? E naexperience mo na bang mabigyan ng mga leaflets at kung ano ano pang mga papel na imbitasyon para sa isang unlimited income opportunity?

Kung yes ang sagot mo sa mga tanong ko sa itaas, nakakasiguro akong ang mga nagiimbita sayo ay mga networking companies. Hindi naman nakakapagtaka ang mga ganitong eksena. Naglipana kasi sa lahat ng sulok ng bansa ang mga networkers na katulad ko. 

Malamang nun maanyayahan ka iisa lang ang posible mong isinagot. "Nakuuuuu! alam ko na yannnn?!" tama diba? Susundan mo pa ito ng mga salitang "scam yan scam!" at "ayaw ko ng ganyan kasi pyramiding yan". Tama diba? 

Sa mundo kasi ng MLM o networking, bantad na bantad na sa pandinig ang pyramiding at scam. Hindi nakakapagtaka kasi nun sumikat sa Pilipinas ang consepto ng networking at ang prinsipyo ng "leverage" sinamantala ng mga nakakararami at nauna sa amin ang pagkakataon. Kahit walang producto, nag eendorso. Kahit walang  epekto, nagrerecruit ang mga tao. Kalaunan, nahaluan ng kalokohan at dinagdagan pa ng katarantaduhan na nauwi na nga sa mga pandaraya, scam at pyramiding. 

Pero hindi lahat ng networking company at scam at pyramiding. Oo, aminado ako na madami pa din ang naglipana na kundi man lahat, karamihan ay puro PAMBOBOLA lamang ang ginagawa. Puro panloloko lamang ng kapwa ang kinakana. Puro pandaraya lamang ang ang alam ibenta.

Sabi nila, mga nagsasamantala daw kame sa kahinaan ng ibang tao. At sabi pa nila, nanloloko lamang daw kame ng kapwa Pilipino. Sabi nila, mga nambobola lang daw kasi sa AIM Global. 

Pero ano nga ba talaga ang bola? Nanloloko nga ba kame ng kapwa Pilipino? Nagsasamantala nga ba kame sa kahinaan ng iba? Pabayaan natin na si Mr. Joseph Lim ang sumagot sa mga tanong na ito. Please watch his video interview below.




So now, who is really telling the truth? Sino nga ba talaga ang nambobola? 

Nasasaktan ka ba sa mga nadinig mo nun naanyayahan ka namin makinig sa seminar? bakit ka kaya nasaktan? malamang nasaling ang sugat kaya ito dumugo... pagpaumanhinan, pero sa AIM Global iminumulat lang namin sa inyo ang realidad ng buhay. Ipinapakita namin sa lahat ang katotohanan na para makamit at makuha mo ang iyong masasarap na pangarap, dadanas ka ng matinding hirap.

Kaya kung ang pagsasabi ng tapat at pagmumulat sa lahat ng tunay na kulay ng buhay ay pambobola na maituturing, yes malamang... siguro nga nambobola kame. Pero sa pambobola na ito, maibibigay ng AIM Global ang iyong mga pangarap na masarap. Makukuha mo sa pinakamabilis, epektibo at legal na paraan ang pagtupad sa iyong mga pangarap na masasarap.

Kung maituturing itong pambobola, i suggest kaibigan ko, PABOLA ka na sa amin kasi kapalit ng pambobolang ito, NAIBIBIGAY NAMAN NG AIM GLOBAL ANG KATUPARAN NG IYONG MGA PANGARAP!

Sila naibibigay ba nila? Sila ba nabibigyan ka ng income na Php 50, 000 monthly? Nabibigyan ka ba nila ng mga sasakyan? Sila ba ang nagpapakain sa iyong pamilya? Natutulungan ka ba nilang matupad ang iyong mga pinapangarap?

Uulitin ko, sino nga ba talaga ang nambobola?!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Sponsored Ads



MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com